Rizal ā Arestado ang 3 Chinese Nationals sa patong-patong na kaso sa ikinasang operasyon ng BiƱan City PNP nito lamang Nobyembre 3, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Harold Depositar, Officer-In-Charge, Laguna Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alyas āāTanāā, residente ng Sta Cruz, Manila; alyas āāYangāā at alyas āāHuiāā; pawang mga Chinese Nationals.
Ayon sa ulat, ang biktimang si alyas āāShoromingāā, babae, 29, Chinese National, residente ng Ongpin Street Sta Cruz, Maynila ay kinidnap ng mga suspek sa Pasay City noong Oktubre 30, 2023, at kinulong sa isang inuupahang apartment sa isang Subdivision sa Brgy. Tubigan, BiƱan City, Laguna at humiling umano ang mga suspek na makipag-ayos ng ransom na nagkakahalaga ng Php1,000,000 at isang BMW na sasakyan.
Subalit, nakatakas ang biktima at humingi ng tulong sa residente ng subdivision na itinawag sa himpilan ng BiƱan Component City Police Station at agad naman nirespondehan ang naturang tawag.
Naaresto sina alyas Tan at Yang sa isinagawang hot pursuit operation ng BiƱan Component City Police Station at nakumpiska ang isang caliber 22 revolver na may limang bala at 35 pirasong bala ng caliber 45 habang naaresto naman si alyas Hui sa follow-up operation sa parehong subdivision.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong kidnapping, extortion, grave coercion at paglabag sa RA 10591 o RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
āThe successful arrest of the suspects involved underscores our unwavering commitment to the safety and security of our community. We applaud the swift action of Binan Police and the vigilant citizens who aided in this endeavor. Justice will be served, and we remain resolute in our dedication in ensuring the wellbeing of our residents regardless of nationality. Together, we continue to make Laguna a safer place for allā, pahayag ni PCol Depositar.
Source: Laguna Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin