Cagayan – Dumalo si Police Colonel Juilo Gorospe Jr., Provincial Director ng Cagayan PPO, sa isinagawang Post Election Meeting na ginanap sa Zurc Hotel, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang Nobyembre 3, 2023.
Kasama ang mga opisyal ng Commission on Elections, Armed Forces of the Philippines, Department of Interior and Local Government, at iba pang ahensya ng pamahalaan ay nagtipon-tipon para sa evaluation nang katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections noong Oktubre 30, 2023.

Sa naganap na post-election meeting ng Provincial Joint Security Control Center, iprinisenta ni Police Major Manuel Viloria, Chief ng Provincial Operations and Management Unit sa ilalim ng pangangasiwa ni PCol Gorospe Jr. ang mga accomplishments at assessment at tinalakay din ang mga issues and concerns kaugnay sa aktibidad.
Sa pangkalahatan ay nagkaroon ng general assessment na “Safe and Successful BSKE 2023”.
Samantala, pinuri ni PCol Gorospe ang bawat miyembro ng Cagayano Cops dahil sa ipinamalas na pagseserbisyo nitong katatapos na BSKE 2023.
“Palakpakan nila ang kanilang mga sarili sapagkat nagawa nila ng maayos ang ating mga trabaho,” aniya.
Handang magserbisyo ang bawat miyembro ng Pambansang Pulisya upang masiguro ang ligtas at payapang lipunan.
Source: Cagayan PPO