Tinglayan, Kalinga (January 19, 2022) – Sa pangunguna ni Police Brigadier General Remus Medina, Director ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP DEG) kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency ng Cordillera Administrative Region, Police Regional Office Cordillera, Regional Highway Police Unit, Regional Intelligence Unit 14, Regional Drug Enforcement Unit, Regional Mobile Force Battalion (1503rd/1505th), Kalinga Police Provincial Office, Provincial Drug Enforcement Unit, 2nd Company Provincial Mobile Force Company at ng Tinglayan Municipal Police Station ang pagkumpiska at pagsunog sa mga pananim na marijuana sa magkakahiwalay na barangay sa Tinglayan, Kalinga nitong Enero 18 hanggang Enero 19, 2022.
Tinatayang nasa Php90,000,000 ang kabuuang halaga ng mga marijuanang binunot at sinunog ng mga awtoridad sa halos 36,000 square meters ng marijuana plantations sa Brgy. Loccong at Brgy Butbut Proper sa Tinglayan, Kalinga na naglalaman ng 360,000 pirasong fully grown marijuana leaves na may Standard Drug Price na Php72,000,000 at ng mahigit kumulang 150 kilos dried marijuana leaves na nagkakahalaga naman ng Php18,000,000.
Nasa kabuuang apat (4) na magkakahiwalay na marijuana plantations site ang natagpuan ng mga kapulisan sa Brgy. Loccong samantala dalawa (2) naman sa Brgy Butbut Proper sa nasabing bayan.
Pinuri naman ni PBGen Medina ang nasabing grupo sa patuloy na pagsisikap na ipatupad at labanan ang ilegal na droga. Hinihikayat din niya ang lahat na gawin ng maigi ang kanilang trabaho upang matukoy ang mga tao sa likod ng malawak na marijuana plantations sa nasabing probinsiya.
#####
Panulat ni Patrolman Kher Bargamento
Salamat Team PNP