Bukidnon – Ipinatupad ng Bukidnon 2nd Provincial Mobile Force Company ang mahigpit na seguridad kaugnay sa Undas 2023 sa Kiburiao Public, Cemetery, Quezon, Bukidnon nito lamang Nobyembre 2, 2023.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Joseph Alberto Buaya, Platoon Leader, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Kaddafy Perez Bitor, Force Commander katuwang ang 48th Infantry Battalion, Philippine Army, at Advocacy Support Groups.
Bago pumasok ay iniinspeksyon ng mga awtoridad ang gamit ng mga bibisita sa sementeryo upang maiwasan ang pagpasok ng ipinagbabawal at mga kontrabando.
Layon nito na mabigyan ng seguridad ang mamamayan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat bibisita sa sementeryo.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris