Manila, Philippines (January 15, 2022) – Tiniyak ni Police General Dionardo Carlos, Chief PNP na posibleng magmulta at makulong ng mahigit isang buwan ang sinumang mapapatunayang pineke o gumamit ng fake COVID- 19 vaccination cards sa kasagsagan ng pagtaas ng mga Alert Level sa iba’t ibang lugar ng bansa nitong Sabado, January 15, 2022.
Ayon kay PGen Carlos, ang pamemeke ng vaccination cards ay paglabag sa batas sa ilalim ng Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Law. Aniya, “If you are caught falsifying, tampering, or using a fake vaccination card, you will be slapped with penalties including a Php20,000 to Php50,000 fine or imprisonment of one to six months, or both.”
Ito’y matapos magkaroon ng mas istrikto at mahigpit na polisiya ang iba’t ibang Local Government Unit upang maiwasan at maagapan ang pagtaas ng mga kaso sa COVID-19.
“Since more local government units are now under stricter restrictions, chief executives may opt to implement the ‘no vaccination, no entry’ policy in establishments or entry points, including checkpoints,” dagdag pa niya.
Sinabi rin niya na ang PNP ay may access sa electronic verification system para suriin ang isang indibidwal kung siya ay nabakunahan o hindi sa pamamagitan ng database ng mga kanya-kanyang LGUs at ng Health Department.
Kamakailan lang, naglabas ng kautusan ang Department of Transportation na nagbabawal sa mga hindi bakunado sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila.
#####
Great Work PNP