Aurora – Ipinatupad ang maigting na seguridad kaugnay sa ligtas Undas 2023 sa mga pampubliko at pribadong sementeryo sa Aurora nito lamang Miyerkules, ika-1 ng Nobyembre 2023.
Pinamunuan ito ni Police Colonel Myles Angel Pascual, Provincial Director ng Aurora Police Provincial Office, katuwang ang Bureau of Fire Protection, Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), at Force Multipliers.

Tiniyak ng mga awtoridad ang kaligtasan ng mga bumibisita sa loob at labas ng sementeryo.
Mayroon ding Anti-Criminality Checkpoint na nakatalaga sa mga kalsada sa Aurora upang maiwasan ang anumang krimen.
Dahil dito, naging maayos at payapa ang pagbabantay ng Aurora PNP sa mga sementeryo.
Source: Aurora Police Provincial Office
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera