Bukidnon – Arestado ang isang 39 anyos na lalaki sa paglabag sa COMELEC Gun Ban nito lamang ika-29 ng Oktubre 2023 sa Purok 10, Brgy. Poblacion, Valencia City, Bukidnon.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Mitchel Clemencio, Officer-In-Charge ng Valencia City Police Station, ang suspek na si alyas “Ernel”, 39, at residente ng Calapaton, Kitaotao, Bukidnon.
Bandang 6:55 ng gabi habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Mobile Patrol Unit ng Valencia City Police Station nang napansin na may kahina-hinalang nakaumbok sa katawan ng suspek na nagresulta sa pagkakumpiska ng isang Cal .45 Colt MK IV na may Serial no. 2643195; isang Steel Magazine na may lamang pitong bala ng Cal .45.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 in relation to COMELEC Gun Ban o COMELEC Resolution No. 10918.
Patuloy ang panawagan ng Police Regional Office 10 sa publiko na makipagtulungan sa ipinatutupad na election gun ban at iwasang magdala ng baril o anumang nakamamatay na armas upang mapanatili ang maayos at ligtas na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.