Benguet – Arestado ng Rosario PNP ang isang Most Wanted Person sa kasong Falsification of Public Document sa Brgy. Camp 1, Tuba, Benguet nito lamang ika-28 ng Setyembre 2023.

Kinilala ni Police Major Lester Tannagan, Officer-In-Charge ng Rosario Municipal Police Station, ang suspek na si Valerio Apilas y Laruan, 88, residente ng Brgy. Camp 1, Tuba, Benguet.
Bandang 12:15 ng tanghali ng maaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Falsification of Public Document at mayroong rekomendadong piyansa na Php38,000.
Ang Rosario PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas, tahimik, at maayos ang komunidad.
Source: Rosario Municipal Police Station, La Union
Panulat ni Patrolman Dennis P Carinal