Iloilo City – Timbog ang tatlong indibidwal matapos mahulihan ng higit sa Php500,000 na halaga ng suspected shabu sa ikinasang buy-bust operation ng Iloilo City Drug Enforcement Unit at Iloilo City Police Station 3 sa Barangay Desamparados, Jaro, Iloilo City, nitong ika-25 ng Oktubre 2023.
Kinilala ni Police Colonel Joeresty Coronica, City Director ng Iloilo City Police Office, ang dalawang nahuling suspek na si alyas “Toto”, isang High Value Individual at alyas “Kapid” na isang Street Level Individual.
Ayon kay PCol Coronica, nakumpiska ng mga operatiba ng Iloilo City Drug Enforcement Unit ang 9 na plastic ng ilegal na droga na may timbang na aabot sa 80 gramo at nagkakahalaga ng Php544,000, kabilang ang buy-bust item at non-drug items.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, pinuri naman ni PBGen Sidney Villaflor, Regional Director ng PRO6, ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon. Aniya, “Isa na naman po itong patunay na kapag ang mamamayan at kapulisan ay nagkaisa at nagtutulungan sa pagsugpo sa ilegal na droga ay makakahuli tayo ng malaking supply ng droga. Makialam po tayo sa labang ito, para sa ating kabataan at para sa ating bayan.”