Isabela – Binasbasan at pinasinayaan ang bagong himpilan ng San Isidro PNP sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Grandeur Tangonan na ginanap sa Brgy. Gomez, San Isidro, Isabela noong ika-25 ng Oktubre 2023.
Personal na dumalo at pinasinayaan ni Police Brigadier General Christopher Birung, Regional Director ng PRO 2 at Hon. Leonardo A Tumamao, Vice Mayor ng San Isidro, Isabela, ang nasabing aktibidad kung saan binasbasan ang 3-storey Standard Type B/C Municipal Police Station Building.

Ang naturang himpilan ay pinondohan ng PNP sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) taong 2022 na nagkakahalaga ng Php6,032737.25. Inumpisahan ang paggawa noong February 8, 2022 at nagtapos ngayong buwan ng Oktubre taong kasalukuyan.

Sa pahayag ni PBGen Birung ay pinasalamatan niya ang lahat ng naging instrumento sa pagkakaroon ng mas maganda at mas maayos na himpilan ang San Isidro. Dumalo din sa aktibidad si Police Colonel Julio Go, Provincial Director at iba pang kawani ng LGU San Isidro.
Dagdag pa ni PBGen Birung na ang proyektong ito ay isang testamento at pagpapatunay na walang imposible kapag nagkaiisa. Ito ay inspirasyon ng San Isidro PNP na lalo pang maging masipag at epektibo ang kanilang pagtupad sa tungkulin bilang alagad ng batas. Kaya naman payo niya na ituring na pangalawang tahanan ito at panatilihin ang kalinisan. Hinimok din niya ang mga kawani ng San Isidro LGU at iba pang sektor ng lipunan na makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan sa bayan.
Source: San Isidro PS
Panulat ni PSSg Jerlyn V Abimos