Benguet – Tinatayang Php182,000 halaga ng marijuana ang binunot at sinunog ng mga awtoridad sa isinagawang marijuana eradication sa Proper Badeo, Kibungan, Benguet nito lamang Oktubre 24, 2023.
Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng mga operatiba ng Kibungan Municipal Police Station sa ilalim ng superbisyon ni Police Captain Deogracias Maguen, Acting Chief of Police, katuwang ang mga tauhan ng Benguet 2nd Provincial Mobile Force Company, Benguet Provincial Drug Enforcement Unit at Provincial Intelligence Unit-Benguet, at PDEA-CAR.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakadiskubre ng isang plantasyon ng marijuana na may sukat na 130 square meters na may nakatanim ng 910 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na may Standard Drug Price na Php182,000.
Kaagad naman itong binunot at sinunog ng mga nasabing operatiba at walang nahuling marijuana cultivator.
Hindi naman titigil ang Benguet PNP sa pagpuksa sa mga ipinagbabawal na halaman at mapanagot ang mga taong nasa likod ng ilegal na gawain sa kanilang nasasakupan.