Davao City (January 17, 2022) – Pinasinayaan ang pangatlong paaralan na naitayo ng Revitalized-Pulis (R-PSB) sa Barangay sa Sitio Sandunan, Brgy. Tamugan, Marilog District, Davao City noong Enero 17, 2022.
Pinangunahan ni PBGen Filmore Escobal, Regional Director, ang inagurasyon at pagpapasinaya kasama ang kinatawan ng donor na si Mr. Joemecilo Salise, Real Estate Broker, Real Estate Authority and Property Acquisition Officer of Golden Mindanao Global Holding Corporation, maging ang mga personalidad at kinatawan ng ibat ibang ahensiya na sina Cristito Ingay, LLB, Provincial Officer, NCIP, DCPO; Rommel D. Amao, School Head, Pangyan Elementary School; Alma Tac-on, IP Focal Person, DepEd XI; Diomedes E Dela Cruz, Punong Barangay; Aprilyn P Paulo, CSWDO; at si Bae Aida S Seisa, Tribal Leader kasama ang kanyang dalawampung (20) Tribal Datu ng Datu Lamanta Clan Incorporated.
Kabilang din sa mga dumalo sa programa ay sina PBGen Edgar Alan Okubo, DRDA/R-PSB Program Director; PCol (Rev.Fr) Marlou Labares, Chief, RPO 11; PMaj. Rowena Jacosalem, R-PSB over-all supervisor; PLtCol Lennie Ronquillo, S5, Davao City Police Office at ang kapulisan ng Police Regional Office 11, Davao City Police Office at iba pa.
Mahigit dalawang dekada nang kahilingan ng Matigsalug Tribe ang magkaroon ng paaralan sa kanilang komunidad. Dahil sa layo ng kanilang lugar ay tila pangarap na lamang ito, ngunit dahil sa programang Revitalized-Pulis sa Barangay ng Pulis Rehiyon Onse ay naisakatuparan na ito.
Disyembre taong 2021 ng sinimulan ang konstruksyon ng paaralan sa pamamagitan ng “Bayanihan” kaya naman ay mahigit isang buwan lang tumagal ang pagpapatayo nito. Ang naturang paaralan ay may dalawang silid-aralan kung saan ay magiging Integrated School ito para maihabol ng mga mag-aaral ang kanilang mga hindi pa nakukuha o natatapos na mga paksa at aralin.
“Isa lang ang kayamanan sa mundo na hindi kayang kunin at mawala sa inyo kung hindi ang “Kaalaman” kaya kailangang mag-aral kayo, kaya importante na nadala natin itong paaralan dito sa inyo para makapag-aral ang inyong mga anak at maging produktibong miyembro ng bansa maging dito sa inyong komunidad” ani PBGen Escobal
Malaki ang pasasalamat ng Matigsalug Tribe sa tulong ng R-PSB sa pamumuno ni PLt Carlo Magno na nakadestino sa naturang lugar dahil sa pagsusumikap nitong maisakatuparan ang isa sa kanilang mga kahilingan maging sa pamunuan ng PRO 11.
Naitayo ang naturang paaralan sa tulong ng mag-asawang donor na sina Nelson Chua at Jennifer Chua.
###
Panulat ni Police Corporal Romulo Cleve M Ortenero
Tunay na malasakit yan ang ating mga kapulisan