Makati City — Tinatayang Php2 milyong halaga ng shabu ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Makati City Police Station nito lamang Linggo, Oktubre 22, 2023.
Ayon kay PBGen Roderick Mariano, District Director ng Southern Police District, naganap ang nasabing operasyon matapos makatanggap ng telepono ang Makati City Police Station hinggil sa umano’y indiscriminate firing sa lugar ng Brgy. Pembo kaya agarang rumesponde ang mga miyembro ng Comembo Police Substation ng Makati CPS sa pinangyarihan.
Sa kanilang pagdating, lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nagpaputok ng baril ang isang hindi kilalang lalaki na suspek nang mapagtantong naroroon ang mga operatiba at ito ang nagtulak sa buy-bust subject na tumakas.
Nakipagtulungan ang mga rumespondeng pulis sa mga ahente ng PDEA at ang isa sa mga suspek na si alyas “Queendy” ay naaresto bandang alas-4:00 ng hapon sa Xyris Street Corner Adelfa St, Brgy. Pembo, Makati City na nahulian ng tatlong knot-tied transparent plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 300 gramo ang bigat at tinatayang nagkakahalaga ng Php2,040,000.
Mananatili ang mga alagad ng batas sa pagtugis sa mga indibidwal na patuloy sa paggamit ng ilegal na droga at pananagutin sa batas ang lahat ng nagkasala.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos