Sultan Kudarat – Nagbalik-loob sa pamahalaan ang walong miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Sitio Timpok, Bai Saripinang, Bagumbayan, Sultan Kudarat nito lamang ika-23 ng Oktubre 2023.
Ayon kay Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, naging posible ang pagsuko ng mga CTGs dahil sa pagsisikap ng 1202nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 12 at Bagumbayan Municipal Police Station.
Sa ulat ng Bagumbayan PNP, ang mga sumuko ay dating mga miyembro ng teroristang grupo mula sa Guerilla Front-73 (MUSA), Far South Mindanao Region.
Sa kanilang pagsuko, isinuko rin ang mga ilang mga subersibong dokumento.
Pahayag naman ng mga Former Rebels (FRs) na sawa na sila sa labis na hirap, gutom, at pang-aabusong nararanasan nila sa loob ng teroristang grupo kaya’t nagpagpasyahan nilang tumiwalag sa grupo.
Patuloy pa rin ang panawagan ni PBGen Macaraeg sa mga natitira pang miyembro ng CTGs na sumuko para makapamuhay ng mas matiwasay at maayos.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin