Sarangani – Naaresto ng mga awtoridad ang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na may kasong Murder sa Brgy. Batian, Maitum, Sarangani Province nito lamang ika-23 ng Oktubre 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang suspek na si alyas “Anef”, 18, Non-Periodic Status Report (NPSR) listed person, at miyembro ng Guerilla Front 73 MUSA Far South Mindanao Region na nag-ooperate sa bayan ng Maasim, Kiamba, Maitum.
Sa report ng Maitum Municipal Police Station, naaresto si Anef sa isinagawang Project H.O.R.S.E. (Hinterland Operational Response for Services and Emergency) ng mga tauhan ng Maitum PNP, katuwang ang mga operatiba ng Sarangani Police Provincial Office, Police Regional Office 12, MAPIO 12, Sarangani Provincial Mobile Force Company, RMFB 12 at 38th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Isinuko rin nito ang kanyang armas na cal. .38 revolver.
Nahaharap ang suspek sa kasong Murder na walang rekomendadong piyansa.
Patuloy ang panawagan ng Sarangani PNP sa natitira pang miyembro ng CTGs na sumuko at magsimulang muli kapiling ang kanilang sariling pamilya.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin