Nakumpiska ng pulisya ang Php102,000 halaga ng shabu sa naarestong drug suspek sa buy-bust operation na isinagawa sa Purok Dapdap, Brgy. Bagacay, Dumaguete City, Negros Oriental noong Sabado, Oktubre 21, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ronoel G Fungo, Chief of Police ng Dumaguete City Police Station, ang suspek na si ‘Rey’, 48, may asawa, napabilang sa talaan bilang High Value Individual.
Kasunod ng koordinasyon sa PDEA, alas 11:26 ng umaga ng maikasa ang operasyon ng mga operatiba ng Dumaguete City Police Station katuwang ang mga miyembro ng PNP Drug Enforcement Group at Dumaguete Maritime Police Station.
Narekober mula sa suspek ang hinihinalang shabu na may timbang na 15 gramo na may Standard Drug Price na Php102,000 at ang 500-peso bill na ginamit na buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Bunga ang matagumpay na operasyon sa walang humpay na pagpapaigting ng kapulisan sa kampanya kontra ilegal na droga sa probinsya.