Bilang bahagi ng pagpapatibay ng ugnayan sa komunidad, isang Community Outreach Program ang inilunsad ng Regional Mobile Force Battalion 7 sa mga mamamayan ng Brgy. Guadalupe at Calidngan, Carcar City noong Sabado, Oktubre 21, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Dyan Vicente Agustin, Force Commander ng RMFB 7 katuwang ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs).

Hatid sa programa ang mga serbisyo katulad ng feeding activity, libreng medical consultation, pamamahagi ng mga damit at food packs, training sa paggawa ng detergent powder, at lecture tungkol sa illegal drugs at anti-terrorism.
Sa pagkakaisa ng pulisya, ahensya ng pamahalaan, at komunidad, hangad nito na makamit at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng bawat lokalidad.