Romblon – Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga tauhan ng Romblon Police Provincial Office sa Bagacay Public Cemetery, Brgy. Bagacay, Romblon, Romblon nito lamang ika-20 ng Oktubre 2023

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Raquel Martinez, Acting DPDA/DPDO ng Romblon PPO kasama ang mga tauhan ng BJMP at mga Brgy. Officials ng nasabing lugar.

Layunin ng aktibidad na malinis at maging kaaya-aya ang naturang sementeryo bilang paghahanda sa darating na Undas para sa pagbisita ng ating mga kababayan sa mga namayapang mga mahal sa buhay.

Hinihikayat ng PNP ang publiko na makiisa at makibahagi sa mga programang isinusulong ng pamahalaan kagaya ng pagpapanatili ng kalinisan at kaligtasan ng mga sementeryo at hantungan ng mga namayapang mahal natin sa buhay para sa maayos at mapayapang Undas.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus