Benguet – Tinatayang Php180,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre at sinira sa isinagawang marijuana eradication ng mga otoridad sa Sitio Bana, Tacadang, Kibungan, Benguet nito lamang ika-19 ng Oktubre 2023.
Ayon kay Police Colonel Damian Olsim, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, ang operasyon ay naging matagumpay dahil sa pinagsamang operatiba ng Kibungan PNP at 1st Benguet Provincial Mobile Force Company.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre at pagwasak ng isang plantasyon ng marijuana na may kabuuang lawak na 150 square meters at may kabuuang tanim na 900 fully grown marijuana na nagkakahalaga ng tinatayang Php180,000 Standard Drug Price.
Lahat ng nadiskubreng marijuana ay agad na binunot at sinunog ng mga operatiba sa mismong lugar.
Bagama’t walang nahuling cultivator ay sinisiguro ni PCol Olsim na magsasagawa ng malalim na imbestigasyon upang matukoy at mapanagot sa batas ang mga nagtatanim ng ipinagbabawal na halaman at hinihikayat ang publiko na makiisa at magbigay ng impormasyon hinggil sa ipinagbabawal na marijuana upang mapadali ang pagpuksa sa ilegal na pagtatanim at pagtransport ng marijuana sa buong lalawigan.