Pampanga – Nagkaisa sa pangangalaga ng ating kalikasan ang Police Community Affairs and Development Group (PCADG), Local Government Unit ng Apalit at Lingkod Bayan Advocacy Support Group at Force Multipliers sa pamamagitan ng Tree Planting Activity na ginanap sa Brgy. Cansinala, Apalit, Pampanga nito lamang Biyernes, ika-20 ng Oktubre 2023.
Pinangunahan ito ni Police Colonel Warren Gasper Tolito, Deputy Director for Administration ng PCADG Sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Lou Evangelista, Director, katuwang ang Regional Police Community Affairs and Development Unit 3, at Department of Agriculture sa pangangalaga ng ating kalikasan.

Matagumpay ang naturang aktibidad na kung saan naging aktibo ang bawat indibidwal sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng fruit bearing trees gaya ng guyabano, calamansi, avocado at iba pa.
Layunin nito ang madagdagan ang mga punong-kahoy na nakatanim sa nasabing lugar at magsilbing lilim sa kahabaan ng daan.

Ito ay kaugnay sa PNP Core Values na “Makakalikasan” kaisa sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalinisan sa ating kapaligiran.
Patunay lamang na ang Serbisyong Nagkakaisa ay patungo sa ligtas at maunlad na pamumuhay ng bawat mamamayan.
Source: RPCADU3
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera