Rizal – Inilunsad ng Regional Mobile Force Battalion 4A ang “Kabuhayang Handog para sa Nagbabalik-Loob” kaugnay ng Kalingang ASI “Alisto sa Serbisyong Iniingatan” bilang kanilang Best Practice na ginanap sa Green Peak Heights Clubhouse, Brgy. Pinugay Baras, Rizal nito lamang Oktubre 19, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Elmer Aguila, Deputy Force Commander kasama ang mga tauhan ng 404th A Maneuver Company sa pangunguna naman ni Police Captain Eric Paul Mercene, Officer-In-Charge ng 404th AMC, RMFB 4A.

Dumalo din sa aktibidad ang Criminal Investigation and Detection Group, Rizal; Antipolo City Police Station, 34SAC,3SAB, RIU4AIT, 3rd Platoon ng Rizal PMFC, DA APCO-Rizal, Southern Tagalog Region IX SINAG, Sinag Lady Eagles of the Fraternal Order of Eagles, 404th A MC Advisory Council at mga opisyales ng Munisipyo ng Baras, Rizal at mga tauhan ng One Big Wash Laundry.
Pitong miyembro ng Communist Terrorist Group Urban and Rural Operation Area at 15 mula naman sa Samahang Organisasyong Masa ang nagbalik-loob sa mga tauhan ng RMFB 4A.

Nakatanggap ang mga dating rebelde ng tig-Php500 cash, 10 kilos ng bigas at iba’t ibang groceries na nagkakahalaga ng Php500 at hinandugan ng isang livelihood program ng advisory council ng 404th A MC na magsilbing panimula sa kanilang buhay.
Layunin nitong tulungan ang mga taong nalinlang ng maling ideolohiya ng insurhensiya at hinihikayat ang iba pang mga rebelde na sumuko sa gobyerno at mamuhay ng mapayapa, ligtas at masaya kapiling ang pamilya.
Source: 404th A MC, RMFB
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin