Misamis Oriental – Daang-daang estudyante ang napasaya ng community outreach program ng mga awtoridad sa Luz Banzon Elementary School, Barangay Luz, Banzon, Jasaan, Misamis Oriental nitong umaga ng Oktubre 17, 2023.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Cholijun Caduyac, Acting Provincial Director, Misamis Oriental Police Provincial Office, katuwang ang mga tauhan ng Regional Finance Service Unit 10, Criminal Investigation and Detection Group 10, Jasaan Municipal Police Station, stakeholders, Advocacy Support Groups, at force multipliers.

Ilan sa serbisyong handog ng programa ay pamimigay ng school supplies, tsinelas, gamot, at hygiene kit.
Nagkaroon din ng feeding program at pamimigay ng upuan sa paaralan.

Saya at pag-asa ang dala naman nito sa mga estudyante sa kanilang natanggap na serbisyo mula sa Misamis Oriental PNP at iba’t ibang grupo.
Ang naturang atkididad ay nakaangkla sa 5 Focused Agenda ni Police General Benjamin Acorda Jr, na Community Engagement na naglalayon na matulungan ang mamamayan na lubos na nangangailangan.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris