Samar – Kusang nagbalik-loob sa gobyerno ang isang tagasuporta ng komunistang grupo matapos maisagawa ang joint operation ng mga tauhan ng 1st Samar PMFC sa Brgy. Palanas Cara, Calbayog City, Samar noong ika-17 ng Oktubre 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Seth Mark Alob, Force Commander ng 1st Samar PMFC, ang sumuko na si alyas “Joy”, 29, NPA white area mass supporter, Chairman ng North Partylist (Calbayog Chapter) at miyembro ng Bayan Muna (Calbayog Chapter).
Si alyas “Joy” ay boluntaryong isinumite ang kanyang sarili sa 1st Samar PMFC at ngayon ay nasa ilalim ng custodial debriefing ng nasabing yunit.
Nanawagan naman si PLtCol Alob sa mga naging miyembro ng Teroristang Grupo na lumapit lamang sa kapulisan upang kayo ay matulungan na magbalik-loob at matanggap ang magagandang programa ng gobyerno.