Wednesday, May 14, 2025

Php1M halaga ng shabu nasakote ng Makati PNP; 2 Drug Pusher timbog

Makati City — Tinatayang nasa isang milyong halaga ng shabu ang nasakote sa dalawang suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Makati City Police Station nito lamang Lunes, Oktubre 16, 2023.

Kinilala ni PBGen Roderick Mariano, District Director ng Southern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Dada”, 26, babae at alyas “Basher”, 17, lalaki, isang CICL (Child in Conflict with the Law).

Samantala nakatakas naman ang isa pang suspek na pinangalanang si alyas “Philip”, 24 anyos.

Naganap ang operasyon bandang 9:30 ng gabi sa pangunguna ng Station Drug Enforcement Unit ng istasyon sa kahabaan ng 1st Ave East Rembo, Makati City.

Nakumpiska ng mga otoridad ang dalawang knot-tied transparent plastic bag at isang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na pawang hinihinalang shabu, isang transparent plastic sachet na naglalaman ng mga namumungang tuktok na pinatuyong dahon ng hinihinalang marijuana, isang tunay na Php1,000 na ginamit bilang buy-bust money kasama ang 159 piraso ng Php1,000 na boodle money, isang maliit na itim na weighing scale, glass tube pipe, at cellphone.

Ang mga nasamsam na umano’y shabu ay tinatayang may 153 gramo ang bigat at may street value na Php1,040,400 habang ang hinihinalang marijuana naman ay may street value na Php480.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Ang matagumpay na operasyon ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng SPD upang tuluyan ng matigil ang sirkulasyon ng ipinagbabawal na droga sa lungsod at sa buong Southern Metro Manila,” ani PBGen Mariano.

Source: SPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles