Navotas City — Arestado ang dalawang drug pusher matapos makumpiskahan ng tinatayang Php174,420 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Navotas City Police Station nito lamang Martes, Oktubre 17, 2023.
Kinilala ni PBGen Rizalito Gapas, District Director ng Northern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Weweng”, 43, residente ng Barangay San Roque, Navotas City; at alyas “Ingkot”, (pusher/not listed), 31, residente ng Barangay 163 Zone 14, Tondo, Manila.
Ayon kay PBGen Gapas, nangyari ang nasabing operasyon matapos magbenta ang mga suspek sa isang poseur buyer na pulis dakong alas-2:13 ng madaling araw, sa kahabaan ng Gold Rock Street Barangay San Roque, Navotas City na nagresulta sa pagkakadakip ng mga ito.
Nakumpiska sa mga suspek ang apat (4) na pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 25.65 gramo ang bigat at may Standard Drug Price (SDP) na Php174,420; isang (1) pirasong kulay asul na coin purse; at isang (1) piraso ng tunay na Php500.
Inihahanda naman ng mga otoridad ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga naarestong suspek.
Ang matagumpay na operasyon ng kapulisan ay dahil sa tulong at pakikiisa ng komunidad na matuldukan ang ilegal na droga sa bansa.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos