Bohol – Naging makabuluhan ang isinagawang Unity Walk, Interfaith Rally at Peace Covenant Signing na ginanap sa Jagna Cultural Center, Poblacion, Jagna, Bohol nito lamang Lunes, Oktubre 16, 2023.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Lorenzo Alfeche Batuan, Provincial Director ng Bohol Police Provincial Office na kinatawanan ni Police Lieutenant Colonel Joseph Puyod Berondo, Chief, POMU kasama ang mga tauhan ng Jagna Municipal Police Station at sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Jagna sa pamumuno ni Hon. Joseph A Rañola, Municipal Mayor, Atty. Sofronio Madrona, Election Officer III, Religious Leaders, mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, Leocadio T. Trovela, CESO III, Regional Director, DILG 7, Atty. Eddie Aba, COMELEC Bohol Provincial Election Supervisor at mga Barangay at SK Candidates.
Tampok sa naturang programa ang pagsasagawa ng Unity Walk, Interfaith Rally at Peace Covenant Signing para sa isang Ligtas, Maayos, Malaya at Patas na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 na may temang: “One JAGNA KONTRA Bigay sa Piniliay”.

Ang aktibidad ay naglalayong isulong ang kooperasyon at pagkakaisa sa pagitan ng mga kandidato, tagasuporta at mga botante na magkaroon ng kapayapaan at kaayusan para sa darating na Oktubre 30, 2023.



