Northern Samar – Napasakamay ng awtoridad ang Top 8 Regional Most Wanted Person sa kasong Frustrated Murder matapos maaresto sa Brgy. Somoroy, Lope De Vega, Northern Samar, nito lamang Oktubre 15, 2023.
Naaresto ang akusado na si Ramil ng mga tauhan ng CIDG Northern Samar PFU (Lead Unit) sa pangunguna ni Police Captain Juan Carlos S Recluta, Officer-In-Charge kasama ang 125SAC, 12SAB, PNP SAF, PIT, RIU8, 803rd MC, RMFB8 at Lope De Vega MPS sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may inirekomendang piyansa na Php200,000.
Ang PNP ay patuloy sa mga ikinakasang ng manhunt operations laban sa mga taong nagtatago sa batas para mabigyan ng hustisya ang kanilang mga biktima at hinihikayat ang suporta ng mga mamamayan sa pagsugpo ng kriminalidad para sa tahimik at maayos na pamayanan.