Mt. Province – Nagsagawa ang mga tauhan ng Natonin Municipal Police Station ng clean-up drive sa Brgy. Poblacion, Natonin hanggang sa Sitio Opet, Mini Park, Natonin, Mt. Province nito lamang ika-14 ng Oktubre 2023.

Ang aktibidad ay pinamunuan ni Police Major Junjun Gaspar, Chief of Police, Natonin MPS, kasama ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection-Natonin at mga miyembro ng Sakarao Torayen Egleas Club.
Ang nasabing grupo ay nagtulong-tulong na pinulot ang mga basurang nakakalat sa naturang lugar.

Ang aktibidad ay naglalayong mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng ating komunidad tungo sa maaliwalas at malinis na kapaligiran.