Marilog District, Davao City (January 14, 2022) – Namahagi ng 50 pares ng tsinelas ang Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Datu Salumay sa 50 batang IPs ng Sitio Tribal Village, Brgy. Datu Salumay, Marilog District, Davao City sa pangunguna ni PSSg Marlon Gavan Jr sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLt Joseph Miguel Crisologo, Team Leader noong Enero 14, 2021.
Kasama ang mga Non-Uniformed Personnel (NUP) na sina Ivy Geil Edar, Anna Fe Calderon, Ginang Edievan Hazel de Leon, private stakeholder, ay naging matagumpay ang pamamahagi ng nasabing blessings para sa mga kabataang IP’s kaya naman malaki ang pasasalamat ng ating mga minamahal na IP’s sa Revitalized-Pulis sa Barangay sa ipinaabot nilang tulong.
Ang R-PSB kasama ang mga mabubuti nitong stakeholders at ang pamahalaan ay hindi mapipigilan sa pagpapaabot ng tulong sa ating mga katutubong IP’s sa bawat Geographically Isolated and Disadvantage Areas.
####
Panulat ni Patrolwoman Rose Ann M Delmita
Salamat s mga Kapulisan