Talaingod, Davao del Norte (January 16, 2022) – Nagbigay ng first-aid at tulong medikal ang tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) na si PSSg Oliver Amor sa isang batang biktima ng aksidente ng motorsiklo sa Sitio Dulyan, Brgy. Palma Gil, Talaingod, Davao del Norte sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt Roland Rubion, Team Leader noong Enero 16, 2022.
Sa kabutihang palad, ang bata ay nagtamo lamang ng minor injuries. Upang siguruhin naman ang kaligtasan nito, pinasuri pa rin ito sa pinakamalapit na ospital para na rin sa karagdagang gamot.
Dahil dito, malaki ang naging pasasalamat ng magulang ng bata sa R-PSB Dulyan sa agarang pagbibigay ng paunang lunas sa kanyang naaksidenteng anak.
####
Panulat ni Patrolwoman Rose Ann M Delmita
Husay at malasakit tatak PNP