Laguna – Arestado sa manhunt operation ng Nagcarlan PNP ang Regional Most Wanted Person sa kasong Statutory Rape nito lamang Oktubre 14, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Harold Depositar, Officer-In-Charge, Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Mark’’, residente ng Nagcarlan, Laguna.
Naaresto ang suspek bandang 9:10 ng umaga sa Brgy. Balinacon, Nagcarlan, Laguna ng mga operatiba ng Nagcarlan Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang Laguna PNP sa pagsasagawa ng manhunt operation sa mga taong nagtatago sa batas para mabigyan ng hustiya ang kanilang naging biktima at mabawasan o matuldukan ang krimen para mapanatili ang kaayusan, katahimikan at kaligtasan ng probinsya.
Source: Laguna Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin