Bukidnon – Nagsagawa ng feeding program ang Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) sa Purok 4, Kalagangan, San Fernando, Bukidnon nito lamang ika-13 ng Oktubre 2023.
Pinangunahan ni Police Captain Mark Jamel Vega, sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Jovit Culaway, Officer-In-Charge ng Bukidnon Police Provincial Office.

Nagpapasalamat naman ang mga residente sa kanilang natanggap na mainit na champurado at naibsan ang kanilang gutom.
Ito ay patuloy na isinagawa ng R-PSB Magkalungay upang magkaroon ng magandang relasyon ang pulisya at pamayanan.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris