Quezon – Sumuko ang mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa pinagsanib na puwersa ng Quezon Police Provincial Office at 85th Infantry Battalion, Philippine Army sa Brgy. San Rafael, Lopez, Quezon nito lamang ika-12 ng Oktubre 2023.
Ayon kay Police Colonel Ledon Monte, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, tinatayang dalawang miyembro ng New People’s Army in the Barrio at walong dating miyembro ng Underground Movement ang boluntaryong nagbalik-loob sa gobyerno.
Kasabay ng kanilang pagsuko ang pagturn-over ng iba’t ibang kalibre ng baril, Improvised Explosive Device at mga subersibong dokumento.
“Patuloy natin tinatanggap ang mga ganitong kaganapan para mabigyan natin ng pagkakataon ang mga kababayan natin na nalinlang ng komunistang teroristang grupo at mag-umpisa ng panibago at mapayapang buhay sa lalawigan na nadeklarang malaya sa presensya at impluwensa ng naturang salot ng lipunan’’, ani PCol Monte.
Source: Quezon Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin