Samar – Arestado ang tatlong drug personality at nabuwag ang isang drug den sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba sa Brgy. Canlapwas, Catbalogan City, Samar, nito lamang Oktubre 11, 2023.
Kinilala ang mga naaresto na sina Margarita, 47, walang trabaho; Eldie Sr, 47, at Eldie Jr, 22, pawang mga residente ng Brgy Canlapwas Catbalogan City Samar.
Naaresto ang mga suspek ng mga tauhan ng Catbalogan City Police Station-SDET sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Norman Ala, Officer-In-Charge, PIU/PDEU Samar PPO at PDEA 8-Samar Provincial Office.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 7.45 gramo na may tinatayang halaga na Php59,600, cellphone at mga drug paraphernalia.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5, 6, 7, 11 at 12, ng Art II ng R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang pagkakahuli sa mga suspek ay resulta ng mas pinaigting na kampanya ng Catbalogan PNP kasama ang PDEA para matuldukan ang problema sa ilegal na droga na nagbubunga ng samu’t saring krimen.