Batangas City – Nakiisa sa pamimigay ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office 4A ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 4A sa Session Hall Sangguniang Panlalawigan, Capitol Site, Batangas City nito lamang ika-12 ng Oktubre 2023.
Katuwang sa aktibidad ang matataas na opisyales ng Local Government Unit ng Batangas na pinamunuan ni Honorable Governor Hermilando Mandanas at mga miyembro ng DSWD 4A.
Laking galak at pasasalamat ng 67 dating rebelde sa natanggap na tulong pinansyal, mga parangal at programa ng gobyerno na magsilbing panimula ng bagong buhay.
Layunin ng aktibidad na iparamdam sa mga dating rebelde ang malasakit at kalinga ng gobyerno para magbago at mabuhay ng mapayapa, masaya at ligtas kapiling ang mga mahal sa buhay.
Panulat ni Patrolman Joshua M Cruz