Pangasinan – Nadakip sa ikinasang Manhunt Operation ng PNP ang Top 1 Most Wanted Person sa kasong Murder sa Brgy. Poblacion Norte, Sta. Barbara, Pangasinan nito lamang ika-11 ng Oktubre 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jun Wacnag, Hepe ng Sta Barbara Municipal Police Station, ang suspek na si Gemelyn Enriquez Fabia, 35, residente ng Brgy. Amansabina, Mangaldan, Pangasinan.
Ayon kay PLtCol Wacnag, bandang 12:35 ng hapon nang nadakip ng mga operatiba ng Sta Barbara MPS, katuwang ang Regional Intelligence Unit ng PRO1 at Provincial Intelligence Unit.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang rekomendadong piyansa.
Patuloy naman ang PNP sa pagpapaigting ng kampanya laban sa mga taong may pananagutan sa batas para sa serbisyong nagkakaisa at makamtan ang isang tahimik at ligtas na pamayanan.
Source: Sta Barbara MPS
Panulat ni: PSSg Carmela G Danguecan