Laguna – Nasamsam ang tinatayang Php884,000 halaga ng shabu sa apat na suspek sa ikinasang anti-illegal drug operation ng Laguna PNP nito lamang Oktubre 11, 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, Acting Regional Director ng Police Regional Office 4A, ang mga suspek na sina alyas “Amino”, “Jalilah”, “Normalah” at ‘’Jalil”, pawang mga residente ng Calamba City.
Naaresto ang mga suspek sa Brgy. Niugan, Cabuyao City, Laguna sa pinagsanib na pwersa ng Cabuyao City Police Station at Laguna Provincial Intelligence Unit.
Nasamsam sa mga suspek ang tatlong pirasong heat-sealed transparent plastic sachets at isang malaking nakataling supot ng hinihinalang shabu na may timbang na 130 gramo na nagkakahalaga ng Php884,000, 10 pirasong Php1,000 bill bilang boodle, dalawang android phone at mga Identification cards.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri at ipinagtagubilin ni PBGen Lucas ang Laguna PNP sa kanilang masigasig na pagpapatupad ng kampanya laban sa mga ilegal na drogra para mapanatili ang kaayusan, katahimikan at kaligtasan ng bawat mamamayan sa probinsya.
Source: Police Regional Office 4A
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin