Isabela – Pasasalamat ang nasambit ng 100 indibidwal na nahandugan ng iba’t ibang klase ng tulong at serbisyo sa isinagawang Community Outreach Program na bahagi ng pagdiriwang ng 20th Wedding Anniversary ni Provincial Director Police Colonel Julio Go at Dra. Robelyn De Vera Go, Isabela PPO Officers Ladies Club Adviser na ginanap sa Brgy. Mabuhay, Angadanan, Isabela noong ika-7 ng Oktubre 2023.

Pinangunahan ang aktibidad nina PCol Go at Dra. Go kasama sina Police Lieutenant Colonel Jane Abegail Bautista, Isabela PPO OLC President; Police Lieutenant Colonel Avelino Canceran Jr, Force Commander, 2nd IPMFC; Police Major Rassel Tuliao, Chief of Police, Angadanan PS maging ang 205th MC, RMFB2, RHU-Angadanan, Brgy. Officials, KKDAT-Angadanan Chapter, at miyembro ng National Coalition ng Lingkod Bayan Advocacy Support Groups at Force Multipliers.
Unang bahagi ng aktibidad ang pagsasagawa ng Tree Planting Activity kung saan 100 bamboo propagules ang naitanim. Kasunod nito ay ang pagkakaroon ng maikling programa kung saan sinorpresa ng PNP Angadanan at IPPO OLC si PCol Go at Dra. Go bilang pagbati sa kanilang wedding anniversary.

Nagkaroon ng pamamahagi ng grocery items, tsinelas, assorted medicines, vegetable seedlings at pagsasagawa ng feeding activity, libreng gupit sa mga residente ng nabanggit na bayan at paggawad naman ng Project GO o Gesture of Oneness na pangkabuhayan showcase para sa dalawang mapalad na benepisyaryo nito.
Nagsagawa naman ng pagtalakay sa BIDA Program Activities at Anti-Illegal drugs si Police Captain Perla Pagulayan, Chief, CAS/FJGAD, Anti-Terrorism naman ang ibinagi ni Police Captain George Gines, Platoon Leader, 2nd IPMFC habang si PSSg Neslie Cortado, WCPD, Angadanan MPS ay patungkol naman sa Violence Against Women and their Children (VAWC).

Ang naturang aktibidad ay sumusuporta sa EO 70 o NTF-ELCAC na ang hangad ay makatulong sa kapwa at may layunin na matugunan ang ibang pangangailangan ng mamamayan at maipadama ang tunay na malasakit.
Source: Isabela PPO, PIO
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos