Occidental Mindoro – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga tauhan ng 405th B Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion na pinamumunuan ni Police Captain Jayson Santiago, Officer-In-Charge na ginanap sa Eco Tourism Park, Brgy. Sto. Niño, Sablayan, Occidental Mindoro noong ika- 7 ng Oktubre 2023.

Katuwang sa naturang aktibidad ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo ng Sablayan, MENRO-Sablayan at mga aktibong residente ng Sablayan Eco Park.

Ang aktibidad ay isa sa pagsunod sa PNP CORE Values na “Makakalikasan” at alinsunod sa 5-Focused Agenda ng PNP, para sa mas maayos at mas epektibong puwersa ng pulisya sa ilalim ng “Community Engagement” at Serbisyong Nagkakaisa.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus