Mandaue City – Tinatayang nasa halos kalahating milyon na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska mula sa Regional High Value suspek na naaresto ng kapulisan ng Mandaue City PNP sa buy-bust operation na isinagawa sa Agripino St., Sitio San Jose, Brgy. Maguikay, Mandaue City noong Biyernes, Oktubre 6, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Maribel Getigan, Acting City Director ng Mandaue City Police Office, ang nadakip na si “Isagani”, 40, residente ng 304 Gorordo Ave., Lahug, Cebu City.
Dakong alas-9:19 ng gabi nang mailunsad ng City Intelligence Unit, City Drug Enforcement Unit, at Police Station 2 ang operasyon na humantong sa agarang pagkakadakip ng suspek matapos mapagbentahan ng droga ang police na nagpanggap na poseur buyer.
Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang hinihinalang shabu na may timbang na 65 gramo na may Standard Drug Price na Php442,000 at ang nagamit na buy-bust money.
Sinisiguro ng kapulisan ng lungsod ang maigting at mas mahusay na serbisyo upang hadlangan ang anumang uri ng kriminalidad dulot ng ilegal na droga sa komunidad.