Santiago City – Nagsagawa ng Unity Walk, Candidates Forum at Peace Covenant Signing ang Santiago City Police Office sa pangunguna ni City Director, Police Colonel Tirzo D Manoli na ginanap sa Lungsod ng Santiago ITTCC Four Lanes, Malvar, Santiago City nitong ika-6 ng Oktubre 2023.

Katuwang sa aktibidad ang mga kawani ng LGU sa pamumuno ni City Mayor Atty. Alyssa Sheena P Tan, na dinaluhan at nilahukan nina Rev. Fr. Antonio I Ancheta, Pastor Wilfrey C Reñen, Imam Abdul Fatah Adoma, Lieutenant Colonel Joseph C Flores, Commanding Officer 86IB,5ID, PA, Dr. Flordeliza C Gecobe, Atty. Jenny May G Gutierrez, City Election Officer IV, BFP personnel at mga kandidato sa paparating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.
Nagsimula ang aktibidad sa Unity Walk mula sa SCPO Victory Norte, Santiago City hanggang sa ITTCC, Four Lanes, Malvar, Santiago City kung saan isinagawa ang
isang maikling programa at Interfaith prayer.

Binanggit naman ni Atty. Gutierrez ang maikling Panimula, layunin at pagtatakda ng mga panuntunan para sa Forum.
Pinangunahan naman ni Police Colonel Manoli ang Signing of Integrity Pledge.
Ang aktibidad ay naglalayong isulong ang kooperasyon at pagkakaisa para sa pagitan ng mga kandidato, tagasuporta at mga botante na magkaroon ng kapayapaan at kaayusan para sa Synchronized BSKE sa darating na Oktubre 30, 2023.
Source: Santiago CPO
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos