Rizal – Tinatayang Php374,680 halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa isang construction worker at isang electrician sa ikinasang buy-bust operation ng Binangonan PNP nito lamang Martes, Oktubre 3, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Rainerio De Chavez, Officer-In-Charge ng Rizal Police Provincial Office, ang dalawang suspek na sina alyas ‘’Roel’’ at ‘’Dave’’.
Naaresto ang mga suspek bandang 10:30 ng gabi sa New Market Brgy. Tagpos, Binangonan, Rizal ng mga operatiba ng Binangonan Municipal Police Station.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang isang pirasong malaking nakataling plastic ng hinihinalang shabu na may timbang na 51.1 gramo at nagkakahalaga ng Php374,680, isang pirasong ng Php500 bill, Php100 bill, isang puting coin purse at isang android phone.
Ang dalawang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Ipinababatid ko ang aking pasasalamat sa ating kapulisan sa patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga na siyang susi upang matuldukan ang pagkasira ng mga kinabukasan lalong lalo na ang mga kabataan na nasasangkot rito” ani ni PCol De Chavez.
Source: Rizal Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin