Cotabato – Tiklo sa hot pursuit operation ng mga tauhan ng Makilala Municipal Police Station ang isang holdaper na nangholdap sa isang delivery truck nito lamang ika-2 ng Oktubre 2023.
Base sa report ng Makilala Municipal Police Station, kinilala ang biktima na si alyas “Carl”, 22, driver ng Pepsi delivery truck.
Ayon sa salaysay ng biktima, pwersahang tinangay ng dalawang suspek ang perang kinita na nagkakahalaga ng Php15,000 at pagkatapos ay agad tumakas ang mga suspek gamit ang kanilang motorsiklo.
Naaresto ang isa sa mga suspek na kinilalang si alyas “Jeff”, 35, may asawa, at residente ng Brgy. Sudapin, Kidapawan City, Cotabato.
Narekober sa suspek ang isang sling bag na may lamang Cal. 38 revolver na kargado ng limang bala, isang celllphone, mga IDs at ang motorsiklong ginamit sa panghohold-up.
Patuloy ang PNP sa pagpapatupad ng batas at ilagay ang mga taong may sala sa likod ng rehas.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin