South Cotabato – Arestado ang isang itinuturing na High Value Individual (HVI) kaugnay sa ilegal na droga matapos itong lumabag sa ipinatutupad na COMELEC gun ban sa Koronadal City, South Cotabato nito lamang Oktubre 2, 2023.
Sa report ng Koronadal City Police Station, nahulihan ng baril, bala at ilegal na droga na kinilala na si alyas “Pantat”.
Narekober sa suspek ang isang yunit ng 12 Gauge Shotgun na may kasamang isang bala, mga drug paraphernalia at limang gramo ng pinaghihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php34,000 at nahaharap sa kasong paglabag sa Comelec Gun Ban, Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.
Patuloy pa rin ang panawagan ng PNP sa publiko na makipagtulungan sa ipinatutupad na election gun ban at iwasang magdala ng mga baril at nakamamatay na armas dahil ang pulisya ay mananatiling nakatuon sa pagtiyak ng panuntunan ng batas para sa mas maayos at ligtas na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin