Lemery, Batangas (January 15, 2022) – Isang concerned citizen na si Mariel Marasigan ang nagpost sa ginawang kabayanihan ng ating kapulisan sa Lemery, Batangas kung saan agarang sinaklolohan ni PSMS Aris Atienza Lavilla ang isang buntis na nasiraan ng sasakyan habang ito ay patungong ospital nitong Enero 15, 2022.
Ang nasabing buntis ay naabutan na ng panganganak sa loob ng police car habang ito ay binabiyahe patungong ospital. Ayon sa isang netizen, ilang ospital at lying-in ang tumangging tanggapin ang babae kahit na ito ay malapit ng manganak dahil sa punuan ang bawat ospital na kanilang napupuntahan. Tanging Our lady of Caysasay Medical Center lamang ang tumanggap dito.
Lubos ang pasasalamat ng babae sa ating kapulisan na tumulong maghatid sa nasabing ospital dahil kung hindi dahil sa mabilisang pag responde ng mga ito, maaari niya itong ikapahamak at ng kanyang anak lalo na’t kumplikado pala ang pagbubuntis nito.
Ito ay nagpapakita na ang kapulisan ay handang tumulong at ibigay ang serbisyo publiko sa mga taong nangangailangan.
####
Likas n matulungin tlga ang mga kapulisan.