Taguig City — Kalaboso ang isang babae na tulak umano ng ilegal na droga matapos masabat sa kanya ang tinatayang Php408,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Taguig City Police Station nito lamang Sabado, Setyembre 30, 2023.
Kinilala ni PBGen Roderick Mariano, District Director ng SPD, ang suspek na si Salama Utto`y Kanakan.
Naganap ang nasabing operasyon ng Station Drug Enforcement Unit ng Taguig City Police Station bandang 3:20 ng madaling araw sa Francis St., Brgy. Central Signal, Taguig City.
Nasamsam sa operasyon ang 13 heat-sealed transparent plastic sachet na pinaniniwalaang shabu na humigit kumulang 60 gramo ang bigat na nagkakahalaga ng Php408,000 at isang Php500 na ginamit bilang buy-bust money.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Ang tuluy-tuloy na matagumpay na anti-illegal drug operations ay nakababawas sa paglaganap ng ilegal na droga dito sa Southern Metro Manila at tinitiyak namin sa inyo na kami, ang inyong pulisya ay patuloy na magsasagawa ng makabuluhang hakbang tungo sa pagsawata sa mga ito,” ani PBGen Mariano.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos