Kabankalan City, Negros Occidental (January 11, 2022) – Arestado ng mga kapulisan ang number 27 Most Wanted Person ng Negros Occidental sa kaniyang bahay sa Sitio Malasbalas, Brgy. Orong, Kabankalan City, Negros Occidental bandang alas 10:40 ng umaga nitong Enero 11, 2022 sa bisa ng Warrant of Arrest.
Ang nahuling suspek ay kinilalang si Rogelio Consular Jr. y Batayola, 42 taong gulang, single at isang truck driver at residente ng Sitio Linag-asan, Brgy. Kabankalan City.
Ito ay sa pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Negros Occidental PFU bilang Lead Unit kasama ang Kabankalan City Police Station, Regional Intelligence Unit 6- PIT Negros at ng Regional Mobile Force Battalion Intel Negros.
Si Consular ay may Warrant of Arrest sa kasong Rape (3 counts) sa ilalim ng Criminal Case Nos. 2021-9974, 2021-9975 at 2021-9976 at paglabag sa RA 7610 sa ilalim namn ng Criminal Case Number 2021-9977.
Ang naunang kaso ay walang piyansang inirekomenda. Samantala, Php200,000 na piyansa naman sa pangalawang kaso. Pinirmahan ito ni Hon. Rodney Magbanua ng Regional Trial Court Branch 61- Kabankalan City, Negros Occidental noong December 1, 2021.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya para sa dokumentasyon bago iturn over sa kinauukulang korte.
#####
Great job PNP thanks