Camarines Norte – Tinatayang Php374,000 halaga ng ilegal na droga ang nasabat sa dalawang (2) High Value Individual mula pa sa Laguna sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na mga operatiba ng Camarines Norte PNP sa Purok 5, Barangay Malasugui, Labo, Camarines Norte nito lamang Setyembre 30, 2023.
Kinilala ni PLtCol Herculano Mago Jr., Hepe ng Labo MPS, ang mga suspek sa mga alyas na “Tony”, 44, binata, residente ng Brgy. San Jose, Calamba City, Laguna at alyas “Ricky”, 41, may asawa at residente ng Brgy. Canlubang, Calamba City, Laguna.
Ayon kay PLtCol Mago Jr., bandang 9:30 ng gabi ng isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na mga operatiba ng Labo Municipal Police Station, CNPDEU at CNPIU sa pakikipag-ugnayan sa PDEA- Camarines Norte Provincial Office.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 54.1 na gramo ng shabu na may street value na Php374,000.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Camarines Norte PNP ay patuloy na magsasagawa ng mga operasyon upang masugpo ang ganitong klase ng krimen para malinis ang komunidad sa pagkakaroon ng presensya ng ilegal na droga na sumisira sa buhay ng mamamayang Pilipino.
Source: Labo MPS CNPPO