Rizal – Tinatayang Php238,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang naglalaro ng Cara y Cruz sa ikinasang operasyon ng San Mateo PNP nito lamang Biyernes, Setyembre 29, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Rainerio De Chavez, Officer-In-Charge ng Rizal Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alyas ‘’Len Len’’, 45 at alyas ‘’Tor’’, 46; pawang residente ng Taguig, City.
Naaresto ang mga suspek bandang 6:40 ng gabi sa kahabaan ng C6 Road, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal sa operasyon ng Taytay Municipal Police Station laban sa ilegal na sugal.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 3 pirasong pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 35 gramo na nagkakahalaga ng Php238,000, barya na ginamit sa Cara y Cruz, isang pirasong coin purse at bet money na nagkakahalaga ng Php300.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Law at Section 5 at 11 Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Hanggat may gumagawa ng labag sa batas ay may mga kapulisan na handang magbantay upang siguraduhin ang isang payapa, maunlad at nagkakaisang mamamayan”, pahayag ni PCol De Chavez.
Source: Rizal Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin