Pangasinan – Arestado ng Basista PNP ang isang Most Wanted Person na may kasong Malversation of Public Funds or Property (Art. 217 of the RPC) sa Brgy. Poblacion, Basista, Pangasinan nito lamang ika-28 ng Setyembre 2023.
Kinilala ni Police Captain Hermie Raymundo, Hepe ng Basista Municipal Police Station, ang suspek na si “Ronaldo”, 65, residente ng Brgy. Zone 6, Bayambang, Pangasinan.
Ayon kay PCpt Raymundo, bandang 9:45 ng umaga nang maaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Malversation of Public Funds or Property (Art. 217 of the RPC) na mayroong rekomendadong piyansa na Php60,000.
Ang operasyon ng pulisya laban sa mga taong may pananagutan sa batas ay naging matagumpay dahil sa pakikipagtulungan ng mamamayan para sa isang tahimik at ligtas na pamayanan.
Source: Basista, Municipal Police Station
Panulat ni Pat Dennis P Carinal